Wednesday, January 11, 2012

Buhay

Kung ako'y tingnan mo
Mapayat ako
Normal na tao
Pero hindi mo alam kung ano ang nasa loob ko

Sa bawat araw na dumadaan
Ako'y nahihirapan kung minsan
Sa aking karamdamang walang kasiguruhan
Na tanging gamot lamang ang inaasahan

Sa dami ng nadaanan
D'yos lang ang nakakaalam
Inspirasyon ay Maykapal
Pamilya't kaibigan na tunay na nagmamahal

Ikaw, kumpleto ka ba?
Gumagawa ka ba ng tama sa iyong kapwa?
Nagsasakripisyo ka ba?
O masaya kang husgahan sila?

Kaibigan, may bukang liwayway pa
May bukas pa
Pwede pang magbago
Simulan mo na.

Kung ikaw ako
Maiintindihan mo ba ako?
Mapalad ka dahil kumpleto at malakas ka
Isa lang ang buhay
Nawa'y gamitin mo ito ng may kabuluhan.

No comments:

Post a Comment